Si G.Alicia “Alice” Torres-Bañas ang Executive Vice-President ng Medical Ambassadors Philippines Incorporated (MAP). Ang MAP ay isang non-government organization na naglalayong magbigay ng tulong-medikal sa mga kababayan nating Pilipino na hirap sa pag-abot sa mga hospital at iba pang tulong-medikal. Kabilang na dito ang mga katutubong naninirahan sa mga bundok at tagong lugar sa ating bansa. Si Tita Alice ang nagsisilbing gabay at pangalawang ina ng mga manggagawa ng MAP. Para sa kanya, walang tatalo sa paglalaan ng buhay sa paglilingkod para sa iyong mga ka-Pilipino.
Podcast: Play in new window | Download











